Epekto ng paglalaro ng online games sa kabataan
Epekto ng paglalaro ng online games sa kabataan
Ang larong online ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng computer work. Ito ay halos palaging gumagamit ng internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon: modern bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modern. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa pangkalahatang pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na lokal na network sa Internet at ang paglago ng Internet mismo. Ang online games ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng texto na laro hangang sa mga larong may kumplikadong grapiko at virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online games ay kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may malawak na pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro.Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga computer games na may karahasan na kasama. Mga larong may temang sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakakamatay.May mga kaso sa ibang bansa tungkol sa mga negatibong epekto ng paglalaro ng computer games, kinokopya ng mga manlalaro ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games naaangkop na nila at ginagaya ang kanilang nakikita na lalong nagiging adik sila dahil sa kaharasan. Marami sa atin ginagamit ang online games sa masasamang bagay katuland na lamang ginagawa itong sugal ng iba,pinagpupustahan ito ng ibang tao at meron din naman mga kabataan ang ginagamit ito sa pang bu-bully sa ibang tao.Ang adiksyon sa paglalaro ng online games ay ang naglalayo sa mga kabataan sa tunay na mundong kanilang ginagalawan. Mas binigiyan nila ng atensyon ang paglalaro kaysa sa kanilang pag-aaral at pamilya. Base sa aking nabasa,ang labis na paglalaro ng online games ay nagdudulot ng pagbaba ng grado ng mga estudyante dahil mas pinipili nilang lumiban ng klase at maglaro na lamang ng mga online games. Winawaldas din nilang ang kanilang mga pera upang ipambili ng tinatawag na “Skin” o perang ginagamit sa ilang mga online games. Ayon sa mga eksperto, ang paglalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras at kinakain nito ang oras ng mga kabataan upang mapaunlad ang kanilang mga sarili at kanilang pag-aaral.
sino author?
TumugonBurahinsorry ngayon nakapag-online
BurahinWho is the author?
BurahinSino po ang author?
BurahinSino author?
TumugonBurahinHarrah's Casino & Hotel - Mapyro
TumugonBurahinHarrah's 광주광역 출장안마 Casino & Hotel, 하남 출장마사지 777 Harrah's Rincon 문경 출장안마 Way, Rincon, AZ 85139 - Use this simple form to find hotels, motels, and other 포항 출장안마 lodging near the Harrah's 상주 출장샵